Mapagkakatiwalaang guro na may marubdob na pagmamahal sa Wikang Tagalog.
Kasapi ng ilan sa pinaka prestihiyosong organisasyon sa Filipino.
Manunulat ng modyul sa Tagalog at may matatas na karanasan sa pagtuturo ng wikang Filipino at iba pang asignatura kung saan Ingles ang pangunahing lenggwaheng ginagamit.
Kabilang sa kaya kong ituro any ang balarila sa Filipino. Morpolohiya, Ponolohiya, siktaks at ang pagbuo ng pangungusap. Kabilang rin sa akiing pwedeng ituro ay ang tamang pagbuo ng mga pangungusap at ang tamang paggamit ng mga salita ayon sa balarilang Filipino. Nais kung turuan ang kahit na sinong gustong matuto ng Tagalog para sa kanilang pagsusulit at kahit na sino ay pwede kong turuan.
Isa akong guro sa isang pampublikong kaalaman na may malawak na kaalaman sa pagtuturo ng Filipino sa loob ng walong taon. Ang lahat ng antas ng edukasyon ay aking naturuan at patuloy pa ring magtuturo batay sa kung sino ang humuhingi pagkakataong makapag-aral ng wikang Filipino.